PRESIDENT AQUINO ARRIVES FROM SUCCESSFUL EUROPEAN TRIP

MANILA — President Benigno S. Aquino III on Saturday arrived from a successful European trip that brought him to France, Italy and the Vatican City.

Among those who met the President at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 in Pasay City were Archbishop Giuseppe Pinto; Cabinet members led by Secretary Paquito Ochoa; Congresswoman Emi Calixto Rubiano, Mayor Tony Calixto; Police Director General Ricardo Marquez; Armed Forces of the Philippines Chief-of-staff Hernando Irriberi; and NAIA General Manager Jose Angel Honrado.

“Tunay na napakasarap umuwi sa bayan natin, lalo na kung ganitong bitbit natin ang magaganda na namang balita,” said President Aquino, who attended the United Nations Climate Change Forum in Paris before proceeding to Rome for a meeting with Italian President Mattarella and Prime Minister Matteo Renzi.

From Rome, the President headed to the Vatican City where he had a private audience with Pope Francis. President Aquino also attended the unveiling and blessing of the mosaic image of Our Lady of Penafrancia at the Vatican Gardens.

“Una po tayong tumungo sa Paris, France upang daluhan ang ika-21 Conference of Parties ukol sa climate change. Doon, inihain natin ang paninindigan ng Pilipinas: Kailangan nang maabot ang isang malawakan at makatarungang solusyon sa isyu ng nagbabagong klima. Sa Climate Vulnerable Forum naman, pinamunuan natin ang isang kalipunan ng mga bansang pinaka-apektado ng climate change. Parami nga po nang parami ang nagiging kasapi ng CVF: Ang dating 20 bansa, nadagdagan pa ng 23. Sa pagbubuklod na ito, nagiging mas malakas ang tinig natin, at mas naisusulong natin ang karapatan ng mga bansang pinaka-napipinsala ng sakuna, kahit pa ba napakaliit ng ambag natin sa carbon emissions ng mundo,” said the Chief Executive.

President Aquino noted the good outcome of the climate change forum attended by 147 world leaders.

“Ang maganda pa nga pong resulta: Suportado na rin ng France at Germany ang paninindigang huwag palagpasin sa 1.5 degrees ang pag-angat ng global temperature. Kakabit po nito ang panawagan natin na tulungan ang mga bansa tulad natin sa aspeto ng climate financing at technology, para mas magawa nating makaambag sa hakbang kaugnay ng climate change. Habang dumarami nga po ang malalaki at industriyalisadong mga bansang pumapanig sa ating pusisyon, lalo ring nagiging epektibo at makabuluhan ang mga pagtitipon tulad ng COP 21,” the President said.

While in Paris, President Aquino met with business leaders.

“Nagkaroon din po tayo ng serye ng pagpupulong kasama ang mga lider ng malalaking negosyo sa Pransya. Ang Sanofi Pasteur po, isang kilalang kumpanya ng gamot, hangad na mailabas sa Pilipinas ang isang vaccine para sa apat na strain ng dengue sa pinaka-angkop na halaga. Kinalap din po natin ang interes ng Airbus, na makakatulong sa lalong pag-unlad ng ating aerospace industry.

“Ang CRH France naman na atin ding nakaharap, nagpasok ng humigit-kumulang 60 billion pesos sa Lafarge-Holcim sa Pilipinas. Ayon pa sa pinuno nila, balak pa nilang magpasok ng 2.3 billion pesos sa atin, kasabay ng pagtatalaga sa Pilipinas bilang kanilang investment hub para sa ASEAN.

Nakausap din po natin ang Jacobi Carbons, na nitong Setyembre lang ay nagbukas ng kanilang manufacturing facility sa Cagayan De Oro, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 517 million pesos. Ang sabi sa atin: Ito raw ang pinakamalaking planta nila sa buong mundo. Balak nga po ng Jacobi na palawigin ang operasyon nila sa pagproseso ng coconut shells bilang sangkap ng activated carbon filters. Ang hatid nito: nasa 2,850 na direkta at indirektang trabahong malilikha para sa ating mga kababayan. Ang pangunahing makikinabang dito ay ang ating local coconut farmers, na tutulong sa pagsuplay ng coconut shells sa naturing kumpanya,” the President said.

President Aquino also toured the 1,500-square-meter facility of Usine IO, a membership-based workshop in Paris dedicated to hardware technologies and startup assistance. The facility serves as an innovation and hardware prototyping platform or launchpad for hardware products like furniture, healthcare, and robotics.

“Matapos ang mga pagpupulong, binisita din natin ang pasilidad ng Usine IO, na isa sa mga kumpanyang nasa larangan ng inobasyon sa manufacturing at tumutulong sa mga imbentor na maisakongkreto ang kanilang mga ideya. Habang naroon tayo, nagpakita sila ng tinatawag na smart toothbrush, na nagpapadala ng impormasyon sa isang app sa smart phone kung tama ba ang naging pagsepilyo mo. Ang hi-tech na sepilyong ito, dinisenyo nga po sa Pransya, pero gawa dito sa Pilipinas ng mga Pilipino,” the President explained.

During his meeting with Italian President Mattarella and Prime Minister Renzi, President Aquino said the two officials support to the Mindanao peace process as well as the Philippine government’s position to solve the West Philippine Sea dispute.

“Galing naman po ng France, tumungo tayo sa Italy: doon, nakipagkita tayo sa kanilang Pangulo at Punong Ministro, na kapwa nagpahiwatig ng suporta para sa ating peace process sa Mindanao, at maging sa ating pusisyon ukol sa pagresolba sa usapin sa West Philippine Sea. Sang-ayon nga po sila sa ating hakbang na makahanap ng mapayapa at makatwirang solusyon sa isyung ito,” said President Aquino.

The President said the Italian leaders expressed admiration to the Filipinos working in various sectors in Italy.

“Sa pag-uusap din natin, damang-dama ang paghanga nila sa mga naiambag ng ating mga kababayan sa iba’t ibang sektor sa Italya. Ito po ang nagtulak sa kanilang bigyan ng preferential status ang mga kababayan nating pipiliing magtrabaho sa kanilang bansa. Pinirmahan na nga po ng Pilipinas at Italya ang isang labor agreement upang maisakatuparan ito. Siyempre po, habang naroon, siniguro rin nating makadaupang-palad ang ating mga kababayan. Ibinalita natin sa kanila ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, at idiniin ang pangangailangang pangalagaan ito upang hindi na tayo magbalik pa sa madilim nating pinanggalingan,” said the President.

President Aquino said that during his audience with Pope Francis, he assured the pope that the Filipino people love him so much.

“Sa huling araw ng biyaheng ito, nakapanayam natin ang Santo Papa sa Vatican City. Naglapit tayo ng pambansang dalangin para sa kapayapaan, katarungan, at malawakang kaunlaran. Ibabahagi ko na rin po: may kakaibang gaan sa pakiramdam na dala ang pagharap kay Pope Francis. Siya nga ho ang lider ng simbahang Katolika, pero talagang napaka-mapagkumbaba niya. Ang sabi niya sa atin at sa mga miyembro ng ating delegasyon: please pray for me. Ang sagot ko ho sa kanya: mahal na mahal siya ng mga Pilipino, at miski nga di Katoliko nating mga kababayan ay ipinagdadasal siya,” said the President.

“Pinag-usapan din po namin ng Cardinal Secretary of State ang peace process, at ang mga kongkretong paraan para maibsan ang kahirapan sa ating bansa. Bagaman kabibisita lang ng Santo Papa noong Enero, ipinarating po natin ang imbitasyon sa kanyang bumalik at muling masaksihan ang lalim ng pananampalataya ng Pilipino. Bilang huling aktibidad sa Vatican, pinasinayaan po natin ang isang imahen ng Our Lady of Peñafrancia. Piling-pili po ang mga bansang nagkakaroon ng kanilang pambansang imahen ng Birheng Maria sa Vatican Gardens, kaya nga po napakalaking karangalan na tayo’y nabigyan ng pagkakataong ibahagi sa bawat Katoliko sa buong mundo ang imaheng nagbibigay ng tibay, pag-asa, at inspirasyon sa ating sambayanan,” the President added.

After delivering his arrival speech, President Aquino was scheduled to witness the turnover and blessing of two fighter jets, which arrived last week.

“Mga boss, ang layo na talaga ng ating narating sa Daang Matuwid. Naalala pa po siguro ninyo: Parang kailan lang, ni wala sa pangarap nating makabili ng mga moderno at dekalibreng eroplano na magagamit ng ating Air Force. Pagkatapos na pagkatapos po ng talumpating ito, personal kong dadaluhan ang turnover at blessing ceremony para sa ating unang dalawang FA-50 fighter jets na lumapag nitong nakaraang linggo lang. ‘Yun pong natitirang sampu para mabuo ang kanilang squadron, makukumpleto naman pagdating ng 2017,” said the President.

“Ibang-iba na nga po ang Pilipinas, at ibang-iba na ang tingin sa atin ng mundo. Tunay nga po: Kayo ang gumawa ng pagbabago, at kayo ang magpapatuloy nito. Ang masasabi ko po: Napakasarap maging Pangulo ng isang lahing patuloy na nagpapakitang-gilas, patuloy na nananalig, at patuloy na tumatanggap ng paghanga sa buong mundo,” the President said. PNA